Thursday, May 27, 2010

Bagyo, Baha, Baraha and the Sikad Gang

Meron akong fan club sa DB Ledesma street. Members: 3 sikad driver. Presidente nila: some dude who used to have disgustingly greasy hair that fell to his waist and tied with a bright red ponytail. ngayon clean cut na xa, but i doubt if he’s truly ‘clean‘… anyway, they used to call me "Guapa" or "Pssst.." or "Ne" with matching snide comments like "din ka makadto ne? lakwatsa ka naman?"… or "di ka magsakay Guaps? la ka pamasahe? libre nalang basta sakye lang ko…" (with matching snickers and other rude noises only grasamen and taong walang magawa could possibly have the time or the audacity to make). But when one of them showed up at the hospital with scrotal pain from whatever exhibitions a sikad driver could ever do with his bike, (trust me i don’t want to imagine it) I became "Doktora." and nobody in the sikad association (or whatever they call it) ever dared to punch a rude pick up line to my face or even from behind ever again. I dont know if they developed a kind of respect for me, or if they’re afraid of me now that i can shout: "HOY Gagu! tigilan mo ko, nakita ko na totoy mo, mukhang pretzel!" to their face anytime they get to my nerves… hmm… I could be a bitch. I know that. But I’m proud to say that I always acted as though i was oblivious to their existence… parang wala lang. why should i care?

Then there’s this very, very old sikad driver, who practically lives in his trisikad. My sisters and I call him the Hobbit. kasi malaki pa sa kanya gulong ng bike nya. He has a very long goatie, braided from his chin. he’s crooked like the man from the nursery rhyme: there was a crooked man who walked a crooked mile. he had a crooked sixpence and a crooked style. He had a crooked cat who had a crooked mouse and they all lived together in a little crooked house…(NAKS! Memorize!) Para xang nuno. He’s actually very cute. parang character na tumalon galing sa Hiraya Manawari. Masmalaki pa braso ko sa binti niya. Pramis! siya yung tipong mapagsasabihan mo ng "lolo, ako nalang po magsisikad bayaran pa kita…" YOU KNOW!

then one day, malakas ulan. kababaeng tao walang payong. no choice kundi sumakay. I realized that i didn’t even have to tell them where i lived. they knew exaclty which gate i belong to… Creepy.

Nangyari wala akong barya.

"Okey lang Doc, saka mo nalang ako bayaran." and then he left na parang marami xang pera sa banko at ako pulubi. hmmm…

This happened a long time ago,nung mga panahon na may powers pa ako magtaray sa mga taong hindi ko kilala. Then the storms of my life came crashing down. Nakisabay sa bagyo. Nakikanta sa ihip ng linchak na hangin na di na tinitigilang ang palda ko. Lalake ata ang hangin eh. Lalakeng bastos! nanggigiba ng mga payong. Nambubukas ng mga palda. Pinipituhan ka pa!

Nagiging Manila na rin ang Iloilo. Bahain. Maingay. Matraffic. Bahagi ng buhay ko na hindi maalis-alis kahit ilang beses akong maligo. Yung tipong di mo kaya alisin. It’s the kind where if you scrub away everything that makes you feel dirty, you take away evrything good in you as well…

Kasi nga, Cosmic Joke. My brother has this theory that the Fates conspire to make things difficult for you. Halimbawa, kung kelan ka nasa silong saka walang ulan. Paglalakad ka na, saka pipigain ang langit na parang babaha ang buong mundo! Ganun… Hindi din kasi xa mayabang. Sa dinami-dami ng sangkatauhan, ikaw pa ang pipiliing pagtripan ng tadhana?! Astig yun ah. Lupit! Sabi kasi niya, you have to challenge the cosmic joke. kapag nagmamadali ka, kunyari pabanjing-banjing lang. pagnaubusan ka ng load, kunyari di mo kelangan ng celphone. Kapag walang kewnta na buhay mo, kunwari diyosa ng kagandahan ka pa rin. para mainip ang Tadhana sa yo. isipin nya wa epek to!

So nung wala nang ikabababa pa ang buhay ko, at inulanan ako sa kalalagitnaan ng kalye na walang payong at walang masilungan, hindi ko rin kaya patayin sarili ko kasi takot akong matuluyan, nagnakaw ako ng baraha sa Unitop. Sampung piso lang naman eh! hindi naman siguro magsasara ang Unitop para sa tigsasampung pisong baraha noh! Haler?! saka, ang cheap na nga ng feeling eh! Masmasama loob ko na sa Unitop ako nagnakaw kesa sa katotohanan na nagnakaw ako kahit may pera naman akong pambayad sa linchak na barahang hindi ko naman kelangan!!!!

……….

There was something deep inside me desperaterly searching for SOME kind of thrill… or excitement… or trouble…. anything to convince myself that I am Still alive. "OO! BRUHA! BUHAY KA PA!"

yung ganun….

So umiiyak ang langit pagkagising ko kaninang umaga. Lumakas siya na parang hindi na uulan ulit sa loob ng sandaang taon nung lumakad na kami ng boypren ko. Sisimba sa Sta. Teresita. kasi sabi ng nanay ko, nangyayari daw talaga ang milagro. Okey. Whatever. Tumigil ang ulan the WHOLE! hour and a half na nagsermon ang pari tungkol sa kasalalan ng buong mundo samatalang mga basang sisiw kami ni Tope. Lumakas ulit nang pauwi na kami. Lalong lumakas nang naglalakad ako sa kalagitnaan ng DB Ledesma. walang payong. walang jaket. basa pati kaluluwa.

KALA MO IKAW LANG?! KAYA KO DING UMIYAK NG BAGYO! LECHE!

And I cried so hard like i’ve never cried before. SHET! May topak na talaga ako!

Sinundan ako ng presidente ng sikad gang. "Doc sakay ka…"

"Hindeh!" sigaw ko.

"Doc, hindi nalang ko pagbayari sang lima. bili ka nalang payong…"

……Ferris1

yun lang….

walang moral of the story….

kasi kung may dapat akong malaman tungkol sa takbo ng buhay ko ngayon, pareho lang tyao. hindi ko rin alam.

ok lang naman mawala paminsan-minsan diba?


Sept. 30, 2007

No comments:

Post a Comment